Kulang Sa Pansin

Lubog

Mataas pa ang araw nang dumating ako dito. Di ko sigurado kung anong oras pero alam kong masakit pa sa balat ang init ng araw noon. Ngayon, palubog na ang araw pero nandito pa rin ako. Nagpapaalam ang araw na mamahinga muna siya sa isang buong maghapon na pagtanglaw sa atin. Papalitan naman daw siya ng buwan para magbigay ng liwanag kasama ng mga bituin. Pero diba kahit anong mangyari, mas maliwanag pa rin ang araw. Di maaring palitan nang kahit anuman.
Hanggang ngayon, di ko pa rin matanggap na wala ka na. Parang kailan lang nung una tayong nagkakilala. Una pa lang kitang nakita, alam kong magkakasundo na tayo. Mukha ka lang tahimik pero pag mga kaibigan mo na lang ang kasama mo, ayan na at nagwawala ka na.
Di naman tayo ganun ka-close nun. Madami lang talaga tayong common friends kaya di natin maiwasan na magkita. Masaya ako pag kasama at kausap ka. Kung sa sense of humor, mayaman ka dun. Isang gimik natin, nalasing ka nang husto. Nagkataon na napag- tripan na maglaro ng “Spin the Bottle”. At natanong ka kung sino yung natitipuhan mo at nalaman ko ng gabing iyon na may gusto ka pala sa akin.
Mahigit isang buwan na di tayo halos nagkikita, di ko alam kung pagkakataon lang o kung nahiya ka lang sa nangyari.
Pero masyadong maliit ang mundo para sa ating dalawa, nagkita din tayo pakalipas ng ilang linggo. Humingi ka ng paumanhin sa nangyari. Sabi ko, okay lang. pero ang totoo, gusto din kita. Nagtatalon nga ko ang puso ko nang malaman ko na may gusto ka din sa akin.
Hindi ko matandaan kung kalian ka nagsimulang manligaw. Bigla na lang, isang araw, bigla ka na lang sumulpot sa bahay na may bulaklak. Di naman nagtagal, naging tayo na. Napaka-unromantic nga na sinagot kita. Masama ang pakiramdam ko nun pero wala pa ring tigil ang pang-aasar mo kaya uminit ang ulo ko sayo. Tapos nag-sorry ka at nangako na pag sinagot na kita, di mo na ako aasarin kaya sinagot kita nang wala sa oras.
Pero di mo talaga ako tinitigilan asarin kahit tayo na. Kaya nga sa isang linggo, ilang bantaan ng break up ang nangyayari. Ewan ko ba kasi sayo kung bakit tuwang-tuwa kang inaasar ako. Sabi mo, mas cute ako pag galit kaya mas lalo mo akong inaasar.
At least, di mo ako nakakalimutang batiin tuwing special occasions. Binibigyan mo pa ako nga iba’t –ibang surprises. Naalala ko nung isa nating monthsary. Dinala mo ako sa concert ng favorite kong banda kahit alam kong madami kang trabaho.
Pero akalain mo, may quiet moments din tayo. Pag may topak tayo, pupunta lang tayo dito. Uupo, magkahawak kamay at di naman nag-uusap. Yun yung mga sandali na ayoko nang matapos. Kahit wala sa ating nagsasalita, para na rin tayong nag-uusap.
May balak na rin tayong magpakasal. Sabi mo nga, gusto mo ng wedding sa beach. Tapos naka-sarong ako na puti at ikaw ay naka-white na sando at beach shorts. Nakakatawa kung tutuusin. Pero masaya akong nagmumula sa iyo ang salitang “kasal”. Sa inyong magkakaibigan, ikaw lang ata ang excited na magpatali sa kasal. Sabi mo kasi, pakiramdam mo mas fulfilling ang buhay mo kung may uuwian ka sa gabi galing sa trabaho.
Pinakilala mo nga ako sa mga kamag-anak mo lalo na sa mga pinsan mo. Pati na sa mga tito at tita mo. Pero di ko akalaing sa kakaibang sitwasyon kami magkikita ng mommy mo.
Naglalaro tayo nun ng golf nang bigla ka na lang mawalan ng malay. Nataranta ako nang husto dahil iyon ang unang pagkakatan na nagyari sa iyo yun. Sinugod ka namin agad sa hospital. Binalita naman agad sa mommy mo yung nangyari at dagli naman siyang umuwi dito sa Pilipinas.
Una kaming nagkita ng binisita ka nya sa hospital. Nakilala niya agad ako sa mga pictures na pinapadala mo sa kanya. Niyakap niya ako at nag-sorry. Di ko talaga maintindihan nung una.
Matagal mo na palang nilihim sa akin na maysakit ka. Kaya pala gusto mo nang magpakasal ay natatakot ka na anytime ay pwede ka nang mawala. Matagal nang tinaningan ang buhay mo pero ayaw mong kaawaan kaya di mo sinasabi.
Maluwag ko naming natanggap pero di ko ikakaila na masakit para sa akin ang sitwasyon. Parang di ko yata kaya na mawala ka sa buhay ko. Binuo ko na ang kinabukasan at mga pangarap ko na nandoon ka kaya DI KA PWEDENG MAWALA.
Di na ulit pinag-usapan ang kasal. Binaon na iyon kasama ng mga pinangarap nating dalawa. Sabi ng doctor, lumalaban ka pa rin daw kahit hinang-hina ka na. Di nagtagal, nagkaroon ng madaming komplikasyon ang katawan mo at bumigay na ito. Na-comatose ka ng one month bago ka tuluyang bumitaw.
Gumuho ang mundo ko noon. Parang lahat sa buhay ko ay nawalan ng silbi. Pero wala na rin akong magagawa, di ko hawak ang buhay natin. Kung sakali, habang buhay na sana tayong magkasama.
Para sa akin, ikaw ang araw. Ilan mang buwan at bituin ang dumaan. Ikaw pa rin…

Leave a Reply

I’m a Mom!

I adopted a Naruto chibi! ^.^

Name: Gaara-san
Likes: sand
Dislikes: people
Owner: Kulang Sa Pansin

I adopted a Naruto chibi! ^.^

Name: Shikamaru-san
Likes: sleep
Dislikes: work
Owner: Kulang Sa Pansin

Click here to adopt your own Naruto chibi!

 

November 2009
S M T W T F S
« Oct    
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Personality Badge

Click to view my Personality Profile page

Flickr Photos

Rain...

ANG GRASYA | Friday The 13th Special (Explored No.1)

The P Twins

More Photos